I’m sorry for this blog. I just have to let this out.

You never fail to make me feel that I am worthless and useless. Maybe, it’s because we’re family that’s why it pains me so much.

Sabi nila, nonverbatim,

“Matatanggap mo kung kaibigan ang magsabi ng masama tungkol sayo, pero pag pamilya, hindi madaling tanggapin kung may sinabi sila masama tungkol sayo.”

Well, naniniwala ako dun. Ganun kasi ako. Ang kaibigan, posibleng mawala. Trust me, I’ve lost many friends. Pero ang pamilya, hindi basta-basta mawawala, kasi dugo ang nag-uugnay sa inyo eh, pwede ring genes. Basta gets niyo na yun.

So here goes…

Hindi niyo alam kung gano ako nappressure na kailangan kong sundin kayo lagi para lang hindi ako magmukhang masama sa mga mata niyo.

Kung alam niyo lang, ang bahay na tinitirahan ko, kung saan dapat ang comfort zone ko, ang lugar na pinakakinakatakutan kong galawan dahil isang galaw ko lang na hindi niyo gusto, mali na agad ako. Masama na agad ako. Pagagalitan na ako, pagsasabihan.

Pag may mali akong nagagawa, sinasabihan ako ng nanay ko na “Magbehave ka dyan. Ayoko ng may maririnig silang reklamo sayo.”

Para na ring sinabi ng nanay ko na “Maging perfect ka sa mga mata nila.”

Unang-una, idefine mo kung ano ang ibig sabihin ng “behave”. Definition mo ang gusto ko para dun ako magbbase. Kasi ang definition ko ng “behave”, ay sundin ang gusto ng iba. Yun naman ang ginagawa ko, as far as I know. Pero hindi ko alam kung saan ako nagkukulang at puro mali ko lang ang laging pinapansin.

Pangalawa, TAO lang ako. Magkakaron talaga ng oras na magkakamali ako. Ikaw ba hindi nagkamali nung bata? Hindi ako perpekto.

At pangatlo, hindi ko kaya i-please kayo lagi. Actually, hindi naman ako nabubuhay para i-please kayo eh. Pero dahil pamilya ko kayo at importante kayo sakin at naiintindihan ko naman na sa bahay niyo ako nakatira at kayo ang nagpapakain sakin araw-araw at naiintindihan ko na magkaiba tayo ng paniniwala, sinusunod ko kayo sa abot ng makakaya ko.

Pero hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pagsunod ko sa inyo, wala kayong pake at puro mali ko pa rin ang nakikita niyo.

Narealize ko, ang laki pa rin talaga ng galit mo sakin noh?

Oo, ang laki ng kasalanan ko nung first year high school ako. My goodness, almost six years ng tapos yun, hindi pa rin kayo maka-move on at maka-let go?

At sana minsan, pakinggan niyo naman ako. Hindi yung kung ano yung alam niyo, yun na agad yung paniniwalaan niyo. One-sided ang peg? Sana subukan niyong ilagay ang sarili niyo sa sakin—para malaman niyo kung ano yung nararamdaman ko.

At pasensya na kung tingin mo mas importante ang iba kesa sa pamilya ko. Kung hindi sana ganyan ang trato mo sakin, siguro hindi ko gugustuhin na sila ang mas madalas kong kasama.

Narealize ko din, dalawa sa pinakamasakit na sitwasyon ay ang hindi tanggap ng pamilya mo ang mga pagkakamali mo at ang mismong pamilya mo ang pinakamalayo sayo.

Victorious semester for a victorious person

Second semester, AY 2012-2013. Second year. UPLB. 20 units plus NSTP 2. 8 subjects in all.

This week, pumunta-punta akong campus para kumuha ng classcards. Sabi ko nung Thursday (April 11), “Last na to. Di na ko babalik bukas.”

Bakasyon mode na kasi yung tao diba. Kahit 10-15 minutes away from bahay lang ang campus, ayoko na talaga bumalik para lang malaman ang grades. Unang-una, bakasyon na ako, ulit pa. Pangalawa, ang init kaya. Pangatlo, ilalabas din naman sa SystemOne ang grades. Para lang hindi nakakahiya sa instructors na nakatambak ang classcards ko sa office nila. Hahahaha.

Wednesday (April 10)

Eh di sinubukan kong kunin classcards ko. Pumunta ako sa rooms ng instructors ko. Bigo, isa lang nakuha ko–CHEM 15.0.

Ang CHEM 15.0 ang natatanging subject na nagpaiyak sakin sa klase dahil wala talaga akong maintindihan sa dinidiscuss ni Ma’am V. Puro 0 quizzes ko at bagsak halos lahat ng exams ko. Akala ko makakatikim na ako ng unang singko ko dahil sa CHEM 15.0.

Pero may last push pa ang CHEM 15.0–finals. 200 points. Kailangan ko ng 185 points para ma-tres. Di ko alam kung anung naging result ng final exam ko. Ipinasa-Diyos ko na. Sabi ko, “I’ll do my best, God will do the rest.”

Anyway… Pumunta nga ako sa office ni Ma’am V para malaman grade ko. Pinahanap ni Ma’am V ang classcard ko dahil di pa niya nilalagay ang grade sa classcards. Binigay ko kay Ma’am V ang akin. Hinanap niya pangalan ko sa list niya. Sabi niya bigla, “May mali ba dito?” Kinabahan ako! Kinuha niya tablet niya para magrecompute tapos… lobat. HAHAHA. Eh di sabi niya “Tama na siguro to.” Tapos may binilugan na siya. Di ko nakita kung ano. Inabot niya sakin classcard ko. Pagkakita ko ng grade ko… Nakakaiyak. TRES. Yun ang una kong gintong tres. Iba tong tres na to kasi dito ako pinakanahirapan at pinakanawalang pag-asa. Nakakagulat. Nalampasan ko ang CHEM 15.0! Parteeeeeh. Hahaha.

Thursday (April 11)

Sa totoo lang, akala ko uulanin na naman ako ng tres. Ang dami kong absent sa mga klase tapos di rin ako nag-aaral on a regular basis. Mag-aaral lang ako pag may exam o pag may announced quiz. Tapos di pa matinong aral minsan. Dedepende ang aral ko sa apat na criteria: (1) GE o major ba, (2) subjective o objective ang subject, (3) Types ng questions sa exam, (4) Nahihirapan ba ako sa subject o hindi.

Nalaman ko ang grade ko sa CERP 122, CERP 21 at CHEM 15.1.

CERP 21, alam ko namang matino ako sa klaseng to. Dahil sa CERP 21, gustung-gusto ko i-pursue ang pagiging geographer. Wooo. MS Geography sa UPD please! Hihi. Nung nakita ko prefi grade ko, 2.138. Eh di okay na ko. 2.25 siguro yun, sabi ko. Tapos pagkakuha ko ng classcard ko, wow, DOS. Sabi pa ni Sir R tataas pa sana kung nagfinals ako. Eh sorry na raw, nasa UPD ako e, having an awesome time. Mehehehe.

CERP 122, eto ang major na sobrang nahirapan ako. Advance ko siyang tinake. Third year dapat siya tinetake pero desperada ako maging 20 units para on time pa rin ako (WEH). Andami kong absent dito. Tapos kung magqquiz, madalas absent o late ako. Galing ko magtiming ano? Ang sabi pa ng iba, mahirap daw magpaexam si Ma’am J. Oo, nahirapan nga ako sa exams niya. Puro essay kasi. Eh tamad ako magsulat pag exam. Hahahaha. Tsaka mahina ako sa essay talaga. Basta alam kong di maganda performance ko. Eh di nung kukunin ko na classcard ko, akala ko talaga tres na ko. Kampante na ko dun. Naniniwala kasi akong di ako ikkwatro o issingko ni Ma’am J. Ewan, malakas lang talaga pakiramdam ko. Pero nung nakita ko classcard ko… 2.25. Akalain mo yun?!

At ang huli, CHEM 15.1. Lab to. Iniyakan ko rin to. Kasi gustung-gusto ko mag-excel sa lab. Aral ako ng aral pero bagsak pa rin ako sa exam. Nakakapanghina kasi talaga yung nag-eeffort ka tapos di nangyayari yung gusto mo–ang pumasa sa exams. Sobrang nadishearten ako. Pero may nagsabi sakin na 10% lang ang isang exam. May tatlong exams. Eh di 30%. May 70% pa ko para tumaas grade ko. True enough, nakahila siya. 2.75 ako. Parteeeeeh! Hahahahaha.

Sa totoo lang, sobrang saya ko sa grades ko. Akala ko puro tres ako. Ganun kasi talaga ako. Simula nung nagkaron ako ng sem na apat ang tres, nahirapan na ko mag-expect ng mataas-taas na grade.

Pero imba si Dad eh. Niresurrect Niya grades ko! THIS IS GRACE. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Dad. Siya ang dahilan kung bakit to nangyari. Kung nagrely ako sa strength ko, di lang ako puro tres, puro singko pa. Pero napatigil lang ako at napasabi ng “Lord, ang galing Mo. Salamat.”

20 units… napasa ko lahat. Wow.

Kung nagtataka kayo kung nasan yung apat pang subjects, eto:

HUME 102 – 2.00

(Eto ang pinakatinamad akong pasukan na subject sa buong sem. Kilala ako ni Ma’am C dahil madalas akong absent. Pero naka-dos pa nga. Imba.)

SPCM 1 – 2.25

(Chillax lang. Secured akong papasa ako dito nung umpisa pa lang. Hahahaha!)

NSTP 2 – PASS

(Pero posibleng ma-INC dahil may hindi pa kami sinusubmit ng buong class. Pero mas okay na INC kesa fail.)

STS 1 – Di ko alam basta pasa

(Nagfinals kasi ako dito. Di ko pa alam grade ko kasi di ako nagsubmit ng classcard. Pero ang sabi ni Sir J, pasa naman lahat. Wooo. Hahaha.)

Oo, wala akong grade na nasa uno bracket. Baka nabababaan pa kayo sa grades ko. Pero di niyo alam kung gano ako kasaya dahil sa grades na to. Ang hihirap ng subjects ko sa sem na to. CHEM 15 pa lang, mabigat na. Tapos may 3 majors and 2 GEs na medyor. May araw pa na sunud-sunod exams ko. Haggardo versoza talaga sem na to,

Pero wala akong pagsisisi sa grades ko. Wala akong reklamo. Sobrang thankful lang ako kay Dad na nagbigay sakin ng knowledge sa subjects ko, sa grace na binigay Niya na kahit di ko deserve tong grades na to, binigay Niya pa rin, at higit sa lahat, sa presence Niya sa life ko, na kahit hirap-hirap na ako at puro reklamo, di Niya ako iniwan at hinayaang bumagsak. Niremind Niya ako na this is not my battle anymore, but His. Salamat Dad! Para sa’Yo acads ko!

77 units down! JUNIOR NA KO! Thank You, Dad! :’)

“I’m confused.”

Recently, I have received a few messages asking similar questions, so I have decided to write this in the hopes of answering them all at once 🙂 ha! The questions have  looked like these:

What if you don’t assume but you meet this guy na kahit wala namang ginagawa e… I don’t know…

I really like him, and we’ve been great friends but just recently I’ve noticed a change in the way he treats me. We used to spend a lot of time together but now, even in the presence of our friends, he rarely speaks to me or notices me… What’s up with that? Should I subtly encourage him to pursue me or should I just let it go? He has all the qualities I’ve been praying for… We are both students.

He is my friend, and he treats me in a ‘special’ way, and even talks to me…

View original post 622 more words

“I know Who I am—my value, my worth–I know how I should be treated, and how I should treat others.” This is how we guard our hearts.

Last week I wrote an article for Act Like A Man called, “How Not To Be A Jerk!!!” (Thanks Pastor Dennis for the catchy title :p) I was surprised at the response it generated so I decided to write a follow up. This time, it’s for the ladies! 😀

View original post 381 more words

Trust God

I want to share to you some of my October 17, 2012 entry in my journal. 🙂

TRUST GOD.

The words embedded on the baller that I wear. Those two words seem simple to do but it is more complicated than you think. Trusting God means we let Him take control of us, we let Him be the boss. It means SA KANYA TAYO AASA.

You think that’s simple?

People often say “Lord, bahala Ka na.” especially when we lose heart of our situations.

That sentence means  that we are letting God take control of something.

When God’s plan and your plan coincide, it is easy to thank Him and trust Him. But what if they don’t? What if God has a different plan and things don’t go the way you want things to go? Would you still trust Him and believe Him? Would you still say, “Lord, bahala Ka na.” and depend on Him or would you end up turning your back from Him and do it your way again?

Doesn’t sound simple, does it?

In my life as a Christian, a lot of my plans and God’s plans does not coincide. Examples are:

1. The course I wanted to take and the course that He will for me. I wanted to take BA Communication Arts yet He wanted me to take BS Human Ecology.

2.  The laptop I wanted and the the laptop He gave to me

3. My goals in life and His goals for my life that I gave Him control

4. The subjects that I wanted to have this semester and the subjects that He willed for me to have

5. The guy I would want to be with and the guy that He wills for me (Yes, I once prayed this to God)

I’m not blogging this to expound on the those five things but to let you know that God and I have different plans in mind. But you see, if you know that God’s will for you is the best, you have no reason to fear and you to doubt that you won’t be able to do it.

God will not give you something that you cannot endure or pass through. It was once told in the preaching of the church’s service that I attend, if God gives you the instruction, He will give you the provision. See? Why fear? You have got all you need! God knows you. He knows what you can and cannot do.

But remember Philippians 4:13: “I can do everything through him [Christ] who gives me strength.”

Also, trusting God requires NOT trusting in yourself. Sa panahon ngayon, madalas natin asahan ang sarili natin pero sa panahong nanghihina na tayo, si God and siguradong andyan. Sa panahong tingin natin wala ng pag-asa, God can turn things around. Just trust Him wholeheartedly and believe that whatever His will is, it is the best for you!

For His will to happen, this must happen:

John 3:30: He must become greater, I must become less.